Home / News / Bawal ang botox Mga retokadang camel tanggal sa pageant

Bawal ang botox Mga retokadang camel tanggal sa pageant

Tinatayang 14 na camel na ang natanggal sa King Abdulaziz Camel Festival matapos madiskubre na ipinaretoke pala ng kanilang mga breeder.

Ang naturang patimpalak ay tumatagal ng isang buwan, at isa nang taunang Bedouin tradition na suportado mismo ng Saudi royal family.

Karaniwang umaaabot sa 30,000 camel ang lumalahok sa patimpalak, na may premyong umaabot sa $57 million.

Tinutugis ngayon ng mga organizer ang mga breeder na ipinaparetoke ang kanilang mga alagang camel.

Ayon sa huradong si Abdullah bin Naser al-Dagheri, may mga breeder na hindi umano kayang bumili ng “top breed” na camel kaya’t ang mga kaawa-awang hayop ay sumasailalim na lang sa iba’t ibang cosmetic-enhancement procedures para makipag-sabayan sa mga kalaban.

Ang mga camel na may matatabang labi, mahabang leeg, at kaaaya-ayang posisyon ng mga “humps” sa likuran ang karaniwang nagwawagi sa pageant.

Naeengganyo ang mga breeder na iparetoke ang kanilang hayop dahil sa laki ng premyo, kahit pa puwedeng patawan ng tatlo hanggang limang taong disqualification ang sino mang mahuhuli.

Sa katunayan, ilang araw bago nagsimula ang festival ay may nasakote ang awtoridad na isang veterinarian na nireretoke ang mga camel.

Tinuturukan ng botox ang camel at pinatatayo rin ang kanilang mga tainga.

Ayon sa isa pang huradong si Fawzan al-Madi, hindi maiiwasan ang pandaraya sa naturang beauty contest, hindi naiiba sa umano’y talamak na dayaan sa iba pang sports tulad ng horse-racing na binibigyan umano ng steriods ang hayop.

Ayon kay Madi, nagtalaga na ng mga specialized vets at grupo mula sa agriculture ministry upang tugisin ang mga lalabag.

Libu-libo ang dumalo sa festival ngayong taon na ginanap sa Riyahd.

Matatapos ang patimpalak ng mga camel sa Pebrero 1, na dadaluhan ni King Salman.

Bukod sa pagandahan ng mga camel, mayroon ding racing at milk tasting na magaganap.

Check Also

duteret

Duterte is against proposed divorce law

Duterte led the destruction of 14 used luxury vehicles from Japan and South Korea worth …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *